November 23, 2007

X-Men, Si Professor X, Alak, Libog, at Eskwelahan

Natatandaan mo pa ba ang X-Men? Yung pelikula na hango sa comics na ginawa ng Marvel.

Kasama siya sa linya ng mga super heroes tulad nila Spider-Man, Superman, Batman, at Maskman.

Hindi ako nahilig sa pagbabasa ng mga ganitong klase ng komiks. Bukod sa wala akong source eh kulang ang pera kong pambili. Kadalasan sa mga National Bookstore lang ito nabibili. Ang mga hilig kong basahing komiks eh yung nga horror na komiks na paulit-ulit ang kwento pero di naman nakakasawa. Dito sa komiks na ito, nalaman ko ang iba't-ibang klase ng aswang at maligno mula sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas. Kaya nga ba't alam ko ang pagkakaiba ng tiktik sa manananggal. At ang pagkakaiba ng tiktik sa abante, remate, toro, at bulgar. Sayang lang at nilusaw na ito ng baha. Walang natira miski isa. Yung komiks ang tinutukoy ko at hindi ang mga dyaryo.

Pwede na pala akong maging aswang specialist dahil sa kaalamang naidulot ng komiks na yun.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Reward ko ang komiks sa magandang performance ko sa iskwelahan. Kapag dalawang komiks, ibig sabihin perfect ko ang exam. Kapag isa lang, normal lang ang grade ko.

Kaya nga ba masarap talaga ang maging mag-aaral. Wala kang iniisip na iba kundi ang i-please nang husto ang mga magulang mo (o kung sino man ang nag-papaaral sayo) at okay ka na. Libre ka na sa lahat. Bahay, pagkain, damit. Subukan mo nga lang gumimik at malilintikan ka. Subukan mong umuwi ng late sa itinakdang oras ng pag-uwi, lumabas ng walang paalam, hindi matulog sa hapon, manuod ng tv buong maghapon, mag-computer buong magdamag, magpaumaga sa bahay ng iba, at makikain sa bahay ng iba eh tiyak na palo, kulong sa kwarto, sermon, parinig, parusa, at mga iba't-ibang klase ng "parenting skills" ang matitikman mo.

Lahat naman ng iyan eh magagawa mo na sa oras na makatapos ka nang mag-aral. Pwedeng makipag-inuman kahit kailan. Pwedeng umuwi ng umaga na. Pwedeng kung saan-saan magpunta. Wala na silang pakialam sayo.

Pero pagkatapos mong mag-aral, ganun din naman ang kapalit. Kaylangan mong magtrabaho para makatulong ka sa gastusin sa bahay, kundi man makabawas sa mga "dependents".

Hindi naman kasi pwedeng hindi ka kakain para hindi ka makadagdag sa gastusin. Hindi pwedeng hindi ka maligo. Hindi pwedeng hindi ka kumilos at hindi mag-consume ng kahit anong klase ng supply sa bahay. Kuryente, tubig, kanin, ulam. Okay lang ang oxygen, libre naman ito para sa lahat.

Kaya bilang tulong ay kailangan mong maghanap ng trabaho.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Ngayon, ano ang kinalaman ng X-Men sa lahat ng mga sinabi ko?

Nothing. Wala naman. Naisip ko lang kasi ang kaisipan na ito...

Sa tingin ko, kaya naging lumpo si Professor X (Hindi siya si Xerex, siya yung propesor na kalbo na naka-wheel chair at may kapangyarihan ng telepathy o kaya eh mind powers na kayang i-control ang pagkilos at pag-iisip mo) eh dahil sa pag-abuso niya sa kanyang kapangyarihan.

Sa dami siguro ng nakontrol niyang chicks eh nalumpo na siya at pati ang katas ng tuhod niya eh nagamit na niya sa kanyang orgasm. Buti nga sa kanya. Masyado kasing malibog.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Kung libog rin lang ang pag-uusapan, hindi ako magpapatalo diyan. Kung yan rin lang ang basehan ng sweldo sa opisina, malamang eh CEO na ako ng kumpanya.

Hindi naman masama ang pagiging malibog. Hindi ito isang bagay na ikinahihiya. Peroooo, ang pagiging malibog ay mayroon ding nakapaloob na responsibilidad.

Ika nga ni Uncle Ben kay Peter Parker, "With great power, comes great responsibility..."

Walang ipinag-iba ang kalibugan dito. With great libog, comes great carnal desires. And of course great responsibilities.

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Ano bang ibig kong sabihin? Dapat matuto tayong gumamit ng tissue. Hindi pwedeng basta-basta na lamang papatalsikin ang iyong future anak. Dapat may pamunas ka tulad ng tissue, panyo, napkin, kubre-kama, at kurtina. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang mga tiyanak.

Sadyang napakalaking responsibilidad ang kalibugan. Kadalasan eh natatabunan nito ang matino nating pag-iisip. At mas malupit pa lalo kung nasamahan ito ng alak.

Kaya nga ba't ayaw ko masyado ng alak. Hindi ko alam kung ano ang nagugustuhan ng mga tao dito eh ampangit-pangit naman ng lasa. Sa tingin mo ba, iinom ang mga tao ng alak kung hindi ito nakakalasing?

Just imagine, buong gabi kayong nag-iinuman pero hindi naman nag-iiba ang mood ng mga tao. Patuloy lang silang nabubusog. Walang nagiging makulit, walang gumagaling sa pagsasalita ng English, walang kang pwedeng pagsamantalahan at yakapin, walang gumaganda o guma-gwapo sa mga kasama mo, at wala kang dahilan para hindi umuwi ng bahay, walang umaamin ng mga hinanakit nila sa buhay, at walang napagtitripang LASING. Bakit? Eh para ka lang umiinom ng tubig na mapakla, mapait, masakit sa tiyan, at nakakabusog, pero hindi ka nalalasing.

Pero kung tutuusin, kung hindi nakakalasing ang alak, walang basta-basta na lang nabubuntis. Walang nabubugbog. Walang nababaril. Walang nasasaksak. Walang kaguluhan sa mga kalye. Walang namamatay dahil sa My Way ni Frank Sinatra. Walang nagugulong mga party sa pelikula o soap opera dahil nalasing na ang isa sa mga character. Walang random na pagsusuka. At walang aksidente sa kalsada.

Haaay, sana eh X-Men na lang ang ikinuwento ko.

2 Winners:

XienahGirL said...

naku
ipupunas?
hmm.
sayang naman
wahahaha

pero wala rin akong
hilig sa mga komiks e.
sa funnycomics.
:)

Mariano said...

I used to read funny comics when I visit my cousin's house. Sila yung mga panatiko ng funny comics. Maganda ang mga material dun, lalo na si Combatron na icon ni Billycoy.