November 27, 2007

Si Rizal at ang Piso

Bakit si Rizal ang nasa Piso?

Tanong na naiwanan sa akin ng nilalang/babae/empermera na tinatawag na si Xienah.

Di ko lubos maisip ang sagot sa tanong. Kahiya-hiya mang isipin, pero ako nga ba ay tunay na Pilipino?

*Nationality Check*
1. Ano ang pambansang bulaklak - Sampaguita - OKAY
2. Ano ang pambansang hayop - Kalabaw - OKAY
3. Ano ang pambansang ibon - Agila (Dati ay Maya pero ginawang Agila) - OKAY
4. Sino ang pambansang bayani - Jose P. Rizal - OKAY
5. Bakit si Rizal ang nasa piso - ... kasi... - NOT OKAY


Mukhang sa ang tanong na ito ay sadyang nababalot ng di-kasiguraduhan sapagkat wala akong justifiable na sagot na pwede kong isagot.

Alas-10 daw nang umaga gigising si Miss XienahGirl.

Nag-aantay daw siya ng sagot. Ako ang nahirapan. Ako ang nagmuni at nagwaksi ng agam-agam. Ako ang nag-iisip.

Kung susuriin ang tanong, maaaring magdala ito ng dalawang punto: Isang joke ang tanong, o di kaya eh ito ay nasa seryosong konteksto na may kinalaman sa pambansang kasaysayan.

Kung iyong susuriin ang pinagmulan ng piso, (na makikita sa Wikipedia) malalaman mong nagmula pa ito sa panahon ng Kastila (duh).

Gusto kong magreklamo sa iniwang tanong sa akin nitong si Miss XienahGirl, subalit nanaig ang kagustuhan kong mapatunayan ang aking pagka-Pilipino at syempre, ang kagustuhan kong magpa-impress dito sa mokang na ito.

Matapos ang ilang saglit ng pag-iisip at pagkakamot ng ulo, minarapat kong buuin ang nagkalat kong ideya upang makabuo ng isang disenteng sagot na ikatutuwa naman ni Rizal.

Bilang tulong sa aking pagsagot ay ginamit ko ang aking Ouija KeyBoard (hi-tech na tayo ngayon), at sinubukan kong kontakin ang ating pambansang bayani...

*Spirit, are you there? Give me a sign*

*HIT ME BABY ONE MORE TIME*

*Nariyan ka ba, kagalang-galang na Ginoong Jose Rizal?*

*...*

Maya-maya pa ay nanlamig ang aking batok. Ang mga buhok sa aking katawan ay nagtindigan. May narinig akong ungol sa paligid.

At sumakit ang aking tiyan. Walang ibang espirito sa paligid kundi ang espirito ng pagbabawas.

Minarapat kong maupo sa pampamilyang trono at sa aking paglalagi sa kwartong iyon ay nasagi ng kasagutan ang aking isip.


Kung sa konteksto ng kalokohan, masasabing kaya si Rizal ang nasa piso ay sa kadahilanang hindi talaga siya binaril kundi pinutol ang kanyang ulo at inilagay sa piso.

Ngayon, kung bibilangin mo ang lahat ng piso sa bansa, malalaman mong kahindik-hindik ang dami ng beses na pinugutan si Rizal. Ako man ay ayaw ko nang isipin dahil baka maiyak lang ako.

At ito naman sa konteksto ng kaseryosohan:

Bakit si Rizal?

Matagal na ding tinatalakay at pinagdedebatehan ang karapatan ni Rizal bilang pambansang bayani. Bakit daw si Rizal? Bakit hindi si Aguinaldo o Bonifacio? Siguro dahil sa kakayanan niyang gumamit ng kanyang taglay na talino at kahusayan sa halip na sa marahas na paraan.

Inaamin ko na hindi ko kailanman matutumbasan ang katalinuhan at kadakilaan ni Rizal kaya hindi ako mapupunta sa pera. Kaya siya ang napili dahil alam nating siya ang essence ng lahing Pinoy. Nag-uumapaw sa sex appeal, talent, at skills, walang makakapantay sa kakayahan ni Rizal.

Bakit sa Piso?

Bilang pangunahing unit ng currency sa bansa, ang piso ang panimulang bilang sa antas ng kaperahan dito sa Pinas. Hindi diyes sentimos. Hindi bente singko. Piso.

Piso bilang panimula. Pundasyon. Ito marahil ang simbolismo na ipinakikita ng piso.

So that must mean na si Rizal, being a national hero and all, has been placed and signified the single peso as a symbolism to a country's small and humble beginnings but with an extravagant individual which makes up a developed country.

Masasabi kong si Rizal ang inilagay na simbolo sa piso sapagkat tinutukoy niya ang matibay na pundasyon ng isang bansa. Isa pa, kahiya-hiya naman kay Rizal kung sa diyes sentimos mo siya ilalagay. Masyadong maliit ang diyes at bente singko sentimos para sa matabang utak at naguumapaw na katalinuhan ni Rizal. Kaya't hayan, sa piso siya inilagay. Hindi sa limampiso. Hindi sa sampu, bente, isandaan, limandaan, o isanlibo.

Sa piso.

Nangunguna. Namamayagpag. First placer.

Having been said that, I shall now question myself: Anong kagaguhan bang sagot yan? Sana sinabi ko na lang na hindi ko alam para naman hindi na nalabuan ang mga makakabasa nito.


Sa totoo lang, wala akong matinong maisagot sa tanong na iyan.

Tama nga si Miss XienahGirl. Wala pang record ng ganyang tanong kaya't kahit si Google eh hindi makakita ng ganyang article. Fuck that shit.

Mas gugustuhin ko pang magpakagat buong magdamag sa lamok kesa sa mag-isip ng matinong sagot sa tanong na iyan.

Pero hindi naman ibig sabihin eh binabalewala ko na ang tanong. Bilang pagtugon sa tanong, itatanong ko din ito sa mga kasama ko sa opisina upang mapagsama-sama ko ang aming kaisipan at maipon ito upang maging isang ideya na nakapangalan sa akin.

Bakit si Rizal ang nasa piso?

Hindi ko alam.

Bakit ba ang briefcase wala namang brief?



2 Winners:

XienahGirL said...

tulad nga ng sinabi ko
hindi mo direktang sinagot ang tanong ko
inaliw mo lang ang readers
pero dahil may effort

very good mariano.
:)
atleast may alam ka
may ikukuwento ka na sa apo mo

na hindi mo nasagot tanong ko
haha

Mariano said...

Ehehe, kesa naman sa ilagay ko lang dito na hindi ko talaga alam!

At least kahit papaano nagawan ko ng paraan diba?

San ba namang lupalop ako kukuha ng sagot eh ang kitid-kitid ng utak ko! Ahaha.