Difficult
Naubos na ang bala. Natuyot na ang lalamunan. Nakalbo na ang bumbunan.
Wala na yata talaga akong pag-asang makapagbahagi ng saloobin ko tulad ng dati ko nang ginagawa.
Maaaring dahil ng trabaho. Sa tipo ng trabahong meron ako ngayon, hindi na kasingkulay ng nakaraan kong gawain ang meron ako sa kasalukuyan. Paulit-ulit-ulit ang nangyayare. Hindi na spontaneous ang daloy ng kaisipan. Nakasadlak na lang sa iisang klase ng kapaligiran.
Nakakalungkot din para sa blog ko. Kawawa naman siya. Dati, andami-daming dumadalaw at bumibisita. Pero ngayon, iilan na lang. Kaya nagpapasalamat naman ako sa mga dati nang bisita at mga bagong pangalan na nagkokomento. Hindi ko maiipangakong makakapagbahagi akong muli ng makulay (at mabantot) na karanasan sa hinaharap, pero hindi ko naman hahayaang mawala ang bisyo ko ng pagbabahagi sa pamamagitan ng pampublikong pahina.
Sadyang di na kasing makatas ang isipan ko ngayon. At wala na ako sa link list ng Sosyalera.net eh. Yun lang naman talaga yun. Nalungkot ako dahil hindi na aktibo ang blog na ito para magkaroon ng karapatang mapalagay sa pamosong blog.
K, back to regular programming.
10 Winners:
LOL! Tinanggal ka ni Leyn?
hahaha andun pa kayaaaaa! hahaha
at teka, pwdeng ako naman magdrama? hindi updated ung URL ng blog ko sa blog links mo :P hahaha!
taena, nabuking ako. :))
buti pa ako, sikat na dahil nasa links niya. bahahaha.
at meron pa akong pichurr ni jessica mendoza. mahal ako ni leyn! hehe...
magsama-sama kayong mga sikat na mayayabang!
kasama niyo ako. ibig bang sabihin sikat at mayabang na rin ako???
YEHEY!!!
Hi, i just want to say hello to the community
buntis na yata ako. i'm so delayed.. sa balita.
so meaning panis na rin kung ano pa man ang magiging reaksyon ko sa usaping ito.
Goodness, there is really much useful material here!
payday loans | Ottawa airport | nude pumps
I may observe that Check my site since it is the resource having truly nice stuff to glance at.Lots of thanks for information.
1
Post a Comment