July 20, 2010

Difficult

Difficult. Fucking difficult. Nawala na ang lahat ng kagustuhan kong makapagbahagi ng pang araw-araw kong karanasan sa pagtahak ng mapait at matamis na landas ng buhay.

Naubos na ang bala. Natuyot na ang lalamunan. Nakalbo na ang bumbunan.
Wala na yata talaga akong pag-asang makapagbahagi ng saloobin ko tulad ng dati ko nang ginagawa.

Maaaring dahil ng trabaho. Sa tipo ng trabahong meron ako ngayon, hindi na kasingkulay ng nakaraan kong gawain ang meron ako sa kasalukuyan. Paulit-ulit-ulit ang nangyayare. Hindi na spontaneous ang daloy ng kaisipan. Nakasadlak na lang sa iisang klase ng kapaligiran.

Nakakalungkot din para sa blog ko. Kawawa naman siya. Dati, andami-daming dumadalaw at bumibisita. Pero ngayon, iilan na lang. Kaya nagpapasalamat naman ako sa mga dati nang bisita at mga bagong pangalan na nagkokomento. Hindi ko maiipangakong makakapagbahagi akong muli ng makulay (at mabantot) na karanasan sa hinaharap, pero hindi ko naman hahayaang mawala ang bisyo ko ng pagbabahagi sa pamamagitan ng pampublikong pahina.

Sadyang di na kasing makatas ang isipan ko ngayon. At wala na ako sa link list ng Sosyalera.net eh. Yun lang naman talaga yun. Nalungkot ako dahil hindi na aktibo ang blog na ito para magkaroon ng karapatang mapalagay sa pamosong blog.

K, back to regular programming.


Elongate...

May 20, 2010

Wala lang ito, hindi lang kasi talaga ako makapag-update

Testingin natin ang 24-hour Customer Support ng Unionbank.

Tatawagan ko na sila matapos ang isang linggo kong paghihintay.

Hindi ko alam kung nagwalis ng kamalasan nung araw na yun at sa basurahan ko pa itinambak.

Nag-withdraw ako ng pera, na-debit pero walang na-dispense.

Pumapalakpak pa ang tenga ko nun at kumikinang ang mga mata ko habang nag-aabang ng perang iluluwa ng ATM Machine (redundant) na maaari kong ipampaligaya ng malungkot kong bulsa.

“Your transaction has been cancelled. Please try again later.”

Fuck. Ano ‘to?

Nag-check ako ng balance. P68.95.

Pu. Tang. Ina. Ang malas ko. Minsan hindi din maganda yung gahaman ka’t wi-withdraw-hin mo lahat ng laman eh. Dapat kung magkano lang yung kailangan mo sa araw na yun ang kunin mo.

So 30 minutos akong nagpapaikot-ikot sa makinang yun nang walang laman ang isipan.

Bumalik sa machine, umaligid ng konti. Nag-abang ng ibang taong gagamit at baka nga naman kasi biglang sangkaterbang lilibuhin ang lumabas sa na-withdraw nilang P500 pesos. Oo, sinilip ko talaga kung magkano ang na-withdraw nung manong.

Pagkatapos, nagtanong ako sa guard kung san pwedeng mag-report. Eh san pa nga ba, eh di diretso sa bangko. Kinuha ko agad yung number ni ATM.

Mainam naman at walking distance lang ang bangko na may-ari ng ATM. Starts with a letter M, and ends with the letters etrobank.

Nai-report ko naman agad with a heavy heart at umaasang ipagwi-withdraw na lang ako nung magandang aleng mukhang masungit dun sa kaha-de-yero nilang dambuhala at ipa-pamper niya ako with all the apologies and “sorry for the inconvenience”. Sinampal lang ako ng katotohanan ng mga katagang “5 to 7 days bago ma-confirm.”

“Paki-report mo na din sa bank mo.” Ugh, okay. First time ko ‘to eh.

Lakad ako sa Unionbank para mag-report. Tawag ako sa may hawak ng account number ko para ma-check. Nailaglag ko pa yung telepono nila sa sobrang aborido ko. Reason number 1 para ma-delay ang transaksyon.

“Ah, okay na. Na-debit nga. Na-check na namin. So paki-abangan na lang kung papasok na sa account mo yung pera.”

Gaano katagal?

“Mga one week. Kasi ibang machine eh. Pag Unionbank din yung machine, 3 days lang.”

Okay, fair enough.

Paglabas ko, tinulak ko pa yung pinto at pinuwersang buksan mag-isa. Ruling nga pala ng bangko na palaging naka-lock at gwardya ang magbubukas. Reason number 2 para ma-delay ang transaksyon.

Lumipas ang mga araw. Pulubi mode. Ikinunsidera ko pa na 5 to 7 business days yun kasi walang office sa weekends.

So eto na, lampas na ng 7 business days.

Handa na akong magpaulan ng sama ng loob at reklamo, at luha, at hinanakit, at kawalan ng tiwala sa sistema, at sa pagpaasa na isang linggo lang ang itatagal.

Parang babae ang Unionbank.

Pinatawag ko sila ermats at erpats. Ayaw. Espesyal daw ako at ako lang ang pwede nilang makausap. Pricks. Okay, naintindihan ko.

Good luck to me.

*Dialing 841-8600*

Elongate...

May 9, 2010

I'm Lost

Nakapag-update na ako. So...

What now?

Help?

Hindi ko alam kung paano na ako dapat magkwento. Sa dinami-dami nang nalampasan kong kaganapan sa buhay ko mula nung last sharing ko eh hindi ko na alam kung paano ko ba dapat ilahad ang mga bagay na ito.


Hmmm, ano bang magandang ikwento? Mag-suggest ka nga.
1. Kung paanong proseso ang paghahanap ko ng trabaho.
2. Namatay na yung grandest momma na sari-sari store owner dito sa village namen.
3. Pulitiko at eleksyon.
4. Pagtatae.
5. Pag-ibig
6. Kasalukuyang trabaho.


Elongate...

May 4, 2010

Pwersado

Haaay, ang hirap simulan ang minsan nang nakalimutan. Mahirap balikan ang minsan nang naiwanan.

At mahirap pag-aralan ang math. Pati programming.

Gusto ko ang magsulat. Pero higit pa doon, gusto ko ang pinapansin at nagpapapansin sa mga chicks. Tao, tao ang ibig kong sabihin. Pero tao din naman ang mga chickazoids.

Ewan. Madami akong alam. Madaming laman ang utak kong puro palaman lang naman sa gusto ko talagang sabihin. Which is wala.

That's the point of this post. Dahil nga pwersado siya, at masabi lang na kailangan kong magsulat, alang-alang sa pangako ko sa sarili kong dapat na akong magbalik sa tunay na ugali ko bilang taga-bahagi ng latak ng buhay ko.


Nilamon ako ng Tumblr. Nakakilala ako ng maraming tao at maraming mga batang babaeng gustong-gusto kong kantutin isa-isa pero hindi ko naman magawa dahil:

1. Hindi ko ugali yun.
2. Hindi ko sila kayang pagsabay-sabayin kapag pumayag sila.
3. Hindi ako selfish. Ayaw kong i-hoard ang mga batang yun para sa aking sarili.
4. May gelpren na ako.

Maliban sa ika-apat na item, ang isa pang "nakakagulat" na bagay na pwede kong maibahagi sa inyo eh yung may trabaho na ako.

Yehehes bichez, I iz a workin' fool.

Saka na yung office chronicles natin. Mahirap magsulat sa tipo ng trabahong napasukan ko ngayon eh. Masyadong maraming "ginagawa", tulad ng nakaraan kong trabaho eh ayaw kong gawin.

So, yun lang. Salamat sa pag-aaksaya ng oras. Tatapusin ko muna ito dahil meron pa akong "trabahong" dapat ayusin.

Oo nga pala. Kada yata magla-login na ako dito sa Blogspot na ito eh kailangan kong mag-rekober ng password. Kailangan ko na yata ng sekretarya.

Elongate...

April 11, 2010

Account Recovery

Okay, so hindi ko na maalala ang account details ko sa pussy-ass bitch na blog ko na 'to.


Anyway, gusto ko na ulit mag-blog. Marami akong mahahabang post at naboboringan na ako sa Tumblr kaya naman dapat na akong magbalik-loob sa tunay na nagbigay sa akin ng pansin. Drama fuck.

Ge, see you this coming May, dear Blogspot.

Elongate...