May 27, 2008

Pepeng Tom

Matatagpuan yan dito sa website na ito.

http://www.phrases.org.uk/meanings/peeping-tom.html

Kung bakit ko naman nabanggit yan eh sa dahilang yung isa kong kaopisina dito eh nagrereklamo ng kanyang masakit na mata nung mga nakaraang araw.

Dahil sa likas na angkin kong galing sa analysis, pinatignan niya sa akin ang kanyang mata kung namumula raw. Pinatingala ko siya at upang silipin sa liwanag ang kanyang mata at napuna kong hindi pala siya naglilinis ng ilong. Pero joke lang dahil isa siya sa butihin kong kaopisina dito at kaibigan ko na din. Peace tayo Jake. Yihee, special mention ka dito you lucky bastard.

Hindi naman siya namumula pero masakit daw. Tinignan ko kung may rashes, wala naman daw. Kinapa-kapa ko at dahan-dahan kong pinisil-pisil, masakit daw. Ming Zhou. Syet, patayin nyo na ako.

"Hindi naman siya namumula pero masakit daw." -- Alam kong applicable din ito sa iba't-ibang parte ng katawan kaya naman bahala na kayong humusga kung mata nga ang pinatignan sa akin ng ka-opis ko.

Kapag pumipikit siya ay masakit daw. Kapag naman tinutusok niya ay lalo nang masakit. Duh, tinusok niya eh, syempre masakit yun. Sos yan.

At dahil mayroon kameng lahi ng mga magagaling na duktor noong nakaraang mga panahon ng dinosaurs, sinabi ko sa kanyang KULITITE ang naeeksperyens niyang iyon. Wala pang butlig subalit sa hilatsa ng pakiramdam na yon, alam ko na agad na iba na ang itsura niya sa susunod na araw.

Namamaga ang mata na parang kinagat ng ipis. Parang pantal at mapula. Ayun, tama ang doktor, este, albularyo sa loob ko na kuliti nga ang naturang pananakit ng etits niya. NG MATA NIYA.

Alam naman sa kultura nating mga Pilipino (at mga Pilipinong hampaslupa tulad ko) na ang kuliti ay konektado sa akto na mahilig gawin ng mga tulad ko rin -- Ang PamBertulano...

Ay, mali. PAMBOBOSO.

Ang pamboboso ay ang akto ng panunood - gamit ang mga mata - ng mga tao na hindi nais mapanuod sapagkat may ginagawa silang pribado sa kanilang mga ari... este BUHAY, sa kanilang mga buhay.

Mas kunektado ang pamboboso sa mga gawaing ginagamitan ng katawan, lalo na ng hubad na katawan. Ilan na sa mga ito ay ang: pagligo, pagluluto (para sa mga nagnanakaw ng secret recipe), at ang mga magkatipan na nagpaparaya sa kagustuhan nilang magpakaligaya sa piling ng bawat isa, pagsakay sa jeep ng nakaskirt, pag-akyat sa escalator ng nakaskirt, pagyuko ng may plunging neckline na damit, pageeksersays, pag-akyat sa puno ng niyog na nakabahag, at ang pagtatambling ng hubad.

Meron kayang nagluluto ng nakahubad! Sos yan.

===================

Syempre dahil may kulite si opismeyt eh nakantyawan siyang namboboso. Kung kanino man siya namboboso, hindi ko na din alam siyempre, dahil hindi naman ako nagsusuot ng skirt dito sa opis para lang bosohan niya. Swerte naman niya kung ganun at basta na lang niya makikita ang aking lovely luscious lumps.

Nagkaroon na din kame ng ispekulasyon na hindi tunay na kuliti yung nasa mata ni opismeyt kundi produkto ng kanyang walang-ingat na pamboboso. In short, sinundot ang mata niya dahil nakita siyang nakasilip.


Kaya naman marapatin ninyong bigyan ko kayo ng ilan sa mga bagay na kinakailangan upang maisagawa ang matagumpay na pamboboso.

Peeping Tom Tips by Mariano

First rule of peeping is: Do not get caught.

Second rule of peeping is: YOU DO NOT GET CAUGHT.

Number three: Wear protective eyewear.
Hindi ka nakasisigurado kung ano ang masasaksihan mo at kung ano ang maaaring lumabas sa butas na iyong sinisilip. Maaaring mga iba't-ibang likido, mga alikabok, insekto, o di kaya eh bala ng baril. Sa mga ganitong sitwasyon, pumili ng nararapat na eyewear sa okasyon. Kapag nakaskirt sa jeep ang sinisilipan, magdala ng heavily tinted na shades. Kapag naman nagsha-shower ang sinisilipan, magdala ng goggles. Kapag naman sundalo ang asawa ng sinisilipan, magdala ng bullet-proof shades. Samahan mo na din ng bullet-proof everything.

Number four: Dinsinfect.
Ang isa sa nakikita kong dahilan pa ng pagkakaroon ng kulite ni opismeyt ay ang pamboboso niya na marumi ang scenario. Marumi ang butas, marumi ang kamay niya, at marumi ang ginagawa ng binobosohan. Kaya naman ipinapayo kong magdala ng alkohol at bulak upang mapunasan ng husto ang butas na sisilipan. Maaari ding magdala ng Lysol at ispreyan ang paligid para mas safe. Wag naman yung eksaheradong magsusuot ka pa ng biohazard na damit para lang mamboso. Pwede din siguro kung 2girls1cup ang sinisilipan mo.

Number five: Use Proper Equipment
Hindi lahat tayo ay ninja upang maging magaling sa pamboboso na hindi napapansin ng mga binibosohan. Mga normal lang tayong tao at hindi Spider-man na kumakapit sa kisame para lang masunod ang layaw ng kulite. Kaya naman mainam na maghanda ng mga bagay na maaaring magamit sa pamboboso.

1. Mini-drill - Piliin ang walang gaanong ingay na malilikha. Pumili ng butas ng drill bit na angkop para sa kapal ng pader, kung kahoy man ito, kongkreto, o di kaya eh bakal pa para sa hayok na hayok.

2. Bench - Hindi yung damit, yung bangko (hindi yung lalagyan ng pera) na pupuwedeng upuan sakaling matagalan ang bosohan sessions para hindi mangalay sa kakatuwad o kakayuko. Pwede ding magdala ng kumot at unan.

3. Random pets - Sa oras na lumikha ka ng kakaibang tunog sa oras ng pamboboso ay manganganib ang lahat, pati ang buhay mo (lalo na't Yakuza pala ang binobosohan mo). Kaya naman magdala ng angkop na hayop para kung sakaling matumba ka at kumalabog sa labas, itatapon mo lang yung random na hayop na dala mo katulad ng ibon, manok, pusa, kabayo(kapag napahalinghing ka sa sarap ng pamboboso), o di kaya eh blue whale. Kung may ubo ka sa panahon ng pamboboso, wag mong kakalimutan ang lolo mong inuubo.

Binobosohang Girl 01: "Oh yeaaaah, baby ... isa paaaaaa"
Ako: *Ubo ubo ubo!!!*
Binobosohan Girl 02: " *GASP* Ano yon!!!"

Sinilip sa labas

Binobosohan Girls:"Ay, si lolo lang pala eh... Halika lolo, sali kayo samen!!!"
Lolo: "Salamat mga apo..."
Ako: Putanginang yan...

4. Invisibility Cloak - Tulad ng ginagawa ni Harry Potter kay Hermoine tuwing naliligo siya, mabisang gamitin ang cloak na ito laban sa mapagmasid na mata. Iwasan lang ang kandila tuwing gamit ang cloak na ito at baka maging toasted invisible man ka ng di-oras.

Number six: Mag-aral ng Gymnastics at Yoga.
Hindi sa lahat ng oras straightforward na silip lang ang gagawin mo. Dahil sa hindi nga tayo ipinanganak na ninja, dapat flexible tayo at maaaring ipagsumiksik ang sarili sa makikipot at alanganing lugar ng pamboboso. Sapagkat ang magandang anggulo ng paninilip ay hindi natatagpuan subalit ito ay ginagawan ng paraan.

===================

Sa ngayon, ganun pa din kalaki ang mata ni opismeyt. Hindi pa din lumiit, pero hindi na siya ganoon kasakit dahil siguro napatawad na siya ng binosohan niya.

Sa susunod na pagkakataon na magkakaroon kayo ng kuliti, i-eksamin muna ito nang maige. I-eksamin na din ang kunsensya kung na-guilty ka ba sa pambobosong ginawa mo kaya ka nagkaroon ng malaking kuliti.

Elongate...

May 23, 2008

Photo Pahula 01

i-click ang larawan para sa sagot


Ano ang ginagawa ni Mariano sa litratong ito?

A) Sumisinga
B) Tumitira ng Dragon Katowl
C) Naghahalo ng semento para sa pundasyon ng matibay na kinabukasan ng eskwelahan ng mga kabataan sa Baranggay San Juan
D) None/All of the above


PS.

Maraming salamat po sa lahat ng mga tao na nagkokomento dito sa walang kwentang lugar na to, ahaha.

Mahal ko po kayong lahat, lalo na ikaw, at ikaw, at siya, at ikaw. At yung babaeng walang bra sa dulo, mahal kita.

Makakapagreply din ako kapag meron na akong sapat na tibay ng loob at tikas ng sikmura.

Salamat po. I heart all.

Elongate...

May 22, 2008

Thought Broth 02

Putangina, prostitusyon pa din ang isa sa problema ng bansa.

Moralidad na lang naman ang labanan diyan. Sa Europa, sa Italya, sa Singapore, at sa ibang mauunlad na bansa, LEGAL ang prostitusyon. Eh yung Europe eh Catholic country pa yun. Dun pa nga ata sila nagbebenta sa tabi ng Vatican eh. Vatican na sila sa pagbebenta. Nagkaroon pa ng plano ang community nila ata ng adopt-a-prostitute.

Puta yun ang ayos.

Tangina, pagdating sa ganitong scenario, isang bagay lang ang nasa isipan ko:

MIGRATION

Kung problema naman ang prostititusyon dito at kahit gaano karaming nire-raid na sakahan ng kantutan ang nababalita kada ilang linggo eh wala na tayong magagawa. Malaki ang pera sa pagbebenta ng laman.

Father: "Alam mo hija, kasalanan sa Diyos ang magbenta ng laman..."
Prosti: "Alam ko po yun father. Pero sino naman po ba ang bibili kung magbebenta ako ng taba?"

Kung tutuusin pwede namang gawing legal dito sa Pilipinas tapos patawan na lang ng tax. Prostitutional tax. Lagyan ng sariling lugar sa batas para maging legal. Gawan ng constitution. Iregister sa DTI ang mga brothel house. Bigyan ng ID ang bawat isa sa mga babaeng gustong pumasok sa propesyon ng prostitusyon. Bigyan sila ng fitness classes at tamang sexual education. Bawal ang camera, bawal ang walang condom. Professional ang transactions at bawal ang emotions. Walang impormasyong bibitawan ang prosti.

Protektado sila ng batas.

Mahirap din kasing labanan ang isyu ng prostihan dito sa Pilipinas bilang krimen at pang-aabuso ng karapatan ng mga babae. Bukod sa maraming tumatangkilik (tulad ko) eh wala namang hindi nasusuhulan dito sa Pilipinas. Madami ding napipilitang pumasok dahil panandaliang lunas sa kahirapan. Hindi ko lang alam dun sa pumapayag ng libre kung kahirapan pa ang gusto nilang masolusyunan dun.

Kaya ganito ang naisip kong magandang plano kung ako lang ang nasa lugar para labanan ang prostitusyon.

KAPAG NAIPASARA ANG BROTHEL HOUSE (Prosti house), IPAPASARA DIN ANG PEKPEK NG MGA PROSTITUTES NA MAHUHULI DITO.

YUNG KAY MAMA SAM PATI PUWET.

ANG MGA MAHUHULING LALAKE NA AKTONG NAKIKIPAG-SEX EH POPOSASAN SA TITE AT PAGMUMULTAHIN NG 20 GALLONS OF SPERM CELL SA LOOB NG 72 HOURS.

Ayan, sige sana maipatupad yan para malabanan na ang prostitusyon. Mapapaisip din ang mga tao kung gugustuhin pa nilang tumangkilik ng prostitusyon mapabilang man lang sa business na yan.

"Pag lalake, posas tite. Pag babae, tahi kiki."

PS. Sa lahat po ng nagkomento sa nakaraang post, salamat! Tinatamad lang po muna akong magreply sa comments, pero hindi po talaga ako suplado ha? Ahihihi. Salamat po!

Elongate...

May 19, 2008

Good Morning

Hindi na ako magkokomento ng marami tungkol sa naganap na usapan sa YM. Putangina na lang ang masasabi ko tuwing nakikita ko ang chat log na ito kaya naman naisipan ko nang mag-let go at ilagay ito sa aking blog.

Sa mga makakabasa, enjoy.

NOTE: Para mapangalagaan ang identity ni malibog_na_gay_friend eh minarapat kong tanggalin ang pangalan niya rito pero sa mga interesadong makausap siya, maaari ninyo akong kausapin para mabigyan ko kayo ng waiver na nagsasaad na wala akong kinalaman sa mangyayare sa inyo kapag nakausap niyo si MNGF.



(09:33:21 PHT) malibog_na_gay_friend: hey there
(09:33:25 PHT) malibog_na_gay_friend: how are ya
(09:33:27 PHT) ako: yo
(09:33:34 PHT) ako: ayos pa din
(09:34:23 PHT) malibog_na_gay_friend: god...what a week it was.
(09:34:46 PHT) ako: and why is that?
(09:34:55 PHT) malibog_na_gay_friend: and I'm surprised by myself as to how fast I recovered
(09:35:03 PHT) malibog_na_gay_friend: well...it's quite a drama...
(09:35:10 PHT) malibog_na_gay_friend: I met this guy named Zac...
(09:35:24 PHT) ako: so labstori pala yan
(09:35:24 PHT) malibog_na_gay_friend: he's an Amboy....
(09:35:37 PHT) malibog_na_gay_friend: well, sort of...kinda one-sided way...
(09:35:44 PHT) malibog_na_gay_friend: hello, knowing me! hahah
(09:35:52 PHT) malibog_na_gay_friend: what a pathetic loser I am heheh
(09:35:57 PHT) malibog_na_gay_friend: anyway, going back
(09:36:24 PHT) malibog_na_gay_friend: he's born from his biological European parents...mix of spanish, german and american
(09:36:32 PHT) malibog_na_gay_friend: but was born and raised here a Filipino
(09:36:55 PHT) malibog_na_gay_friend: so just imagine an American with a Filipino tongue...ganun sya
(09:37:24 PHT) malibog_na_gay_friend: we dated. we went out. we "did" it a lot of times...
(09:37:33 PHT) ako: gaaaawd
(09:37:39 PHT) ako: what an early morning story
(09:37:44 PHT) malibog_na_gay_friend: yeah i know
(09:37:45 PHT) malibog_na_gay_friend: :P
(09:38:23 PHT) malibog_na_gay_friend: and yesterday, during the afterplay, he told me he's exclusively dating another guy
(09:38:26 PHT) malibog_na_gay_friend: WHAT THE FUCK.
(09:39:28 PHT) malibog_na_gay_friend: So after ko syang hinatid sa gym, i deleted his number and never texted back
(09:39:46 PHT) malibog_na_gay_friend: syempre mega-mukmok lola mo pero tinulog ko na lang sya...so ayun
(09:39:50 PHT) malibog_na_gay_friend: tapos. :)P
(09:39:58 PHT) malibog_na_gay_friend: yun lang. :D
(09:40:06 PHT) ako: aaah
(09:40:11 PHT) ako: tsk tsk tsk
(09:40:12 PHT) malibog_na_gay_friend: all i can say is I just miss his 9-incher. :D
(09:40:19 PHT) malibog_na_gay_friend: =))
(09:40:22 PHT) ako: putangina
(09:40:29 PHT) ako: go get a patola or something
(09:40:35 PHT) malibog_na_gay_friend: ahahahahahah sose
(09:40:37 PHT) ako: my goodness
(09:41:06 PHT) malibog_na_gay_friend: actually masarap lang sya i-deepthroat kaso ayokong magpa-uring dahil nakakatakot na
(09:41:26 PHT) ako: :-|
(09:41:30 PHT) malibog_na_gay_friend: hehe! :D
(09:41:48 PHT) malibog_na_gay_friend: ok, i'm gonna stop now. :D
(09:41:50 PHT) ako: i'd be happy if you would tell that story with some ugly girl
(09:41:53 PHT) malibog_na_gay_friend: so what's up with you this time?
(09:42:12 PHT) ako: saken? wala naman. pilit nililimot tong kwento mo.
(09:42:19 PHT) malibog_na_gay_friend: =))
(09:42:32 PHT) malibog_na_gay_friend: sorry matagal magli-linger yan
(09:42:33 PHT) malibog_na_gay_friend: :))
(09:42:59 PHT) ako: tanginang yaaaan. wala ka bang amnesia pills?
(09:43:07 PHT) malibog_na_gay_friend: =))
(09:43:18 PHT) malibog_na_gay_friend: sige i'll ask unilab to develop one for you
(09:43:34 PHT) ako: sige, thanks for the big favor. my goodness.
(09:44:01 PHT) malibog_na_gay_friend: haha!
(09:44:08 PHT) malibog_na_gay_friend: pasensya na, bading lang...
(09:44:19 PHT) malibog_na_gay_friend: pero ok lang yan, alam ko namang straight ka
(09:44:21 PHT) ako: yeah. malibog na bading that is...
(09:44:27 PHT) malibog_na_gay_friend: hindi naman. :(
(09:44:37 PHT) malibog_na_gay_friend: nagkataon lang na sobrang hot si zac
(09:44:41 PHT) ako: oh come on...
(09:44:43 PHT) malibog_na_gay_friend: letche lang talaga sya
(09:44:48 PHT) ako: tsk tsk tsk
(09:45:00 PHT) malibog_na_gay_friend: sabihan ba naman akong exclusively dating...EH PANO AKO? nag-date na kami 2 times
(09:45:10 PHT) malibog_na_gay_friend: tangina nya
(09:45:28 PHT) ako: eh baka ikaw yun
(09:45:56 PHT) malibog_na_gay_friend: anong ako?
(09:46:06 PHT) malibog_na_gay_friend: oh well...basta kelangang limutin ko na sya
(09:46:14 PHT) malibog_na_gay_friend: kaya pareho tayong mag-amnesia pills
(09:46:15 PHT) malibog_na_gay_friend: :D
(09:46:36 PHT) ako: yun nga eh
(09:46:38 PHT) ako: para sayo talaga yun
(09:46:57 PHT) malibog_na_gay_friend: oo nah.
(09:47:11 PHT) malibog_na_gay_friend: shyet. kelangang ilubog sarili sa trabajo
(09:48:03 PHT) ako: oo
(09:48:07 PHT) ako: pati sa singit ng iba
(09:48:21 PHT) malibog_na_gay_friend: gaga :))
(09:48:31 PHT) malibog_na_gay_friend: pero pwede rin...that helps :))
(09:50:11 PHT) ako: tsk tsk tsk
(09:50:36 PHT) malibog_na_gay_friend: oh shut up...i'm recovering anyway
(09:50:46 PHT) ako: that's fine
(09:51:08 PHT) malibog_na_gay_friend: pero minsan gusto kong ma-divert atensyon sa ibang bagay
(09:51:19 PHT) malibog_na_gay_friend: maybe you can suggest anong magandang pagka-abalahan ngayon
(09:51:23 PHT) malibog_na_gay_friend: seryosong usapan ito ha
(09:51:30 PHT) malibog_na_gay_friend: hobby or something
(09:51:50 PHT) ako: hmmm
(09:51:54 PHT) ako: ano ba ang maganda
(09:52:08 PHT) ako: airsoft
(09:52:17 PHT) malibog_na_gay_friend: anything else?
(09:52:26 PHT) malibog_na_gay_friend: i'd like to try guy stuff
(09:52:30 PHT) malibog_na_gay_friend: except dota
(09:52:37 PHT) malibog_na_gay_friend: skateboarding?
(09:52:56 PHT) malibog_na_gay_friend: emo? hmmm....NAAH. (X)
(09:53:04 PHT) ako: go kart
(09:53:07 PHT) malibog_na_gay_friend: too gay for me
(09:53:11 PHT) malibog_na_gay_friend: go kart?
(09:53:16 PHT) malibog_na_gay_friend: actually yung hindi magastos
(09:53:22 PHT) ako: ah
(09:53:24 PHT) ako: teka nga
(09:53:33 PHT) ako: photography
(09:54:00 PHT) malibog_na_gay_friend: pwede rin...but I have to shell out at least 30k
(09:54:07 PHT) malibog_na_gay_friend: to get a prosumer camera
(09:54:15 PHT) ako: one time lang naman
(09:54:23 PHT) malibog_na_gay_friend: sa bagay
(09:54:32 PHT) malibog_na_gay_friend: how about martial arts?
(09:54:36 PHT) ako: yun!
(09:54:38 PHT) ako: mma
(09:54:39 PHT) malibog_na_gay_friend: YEAH! :D
(09:54:45 PHT) malibog_na_gay_friend: pero alin?
(09:54:49 PHT) ako: i dunno
(09:54:52 PHT) ako: mma
(09:54:57 PHT) malibog_na_gay_friend: mma?
(09:55:00 PHT) ako: mixed marital arts
(09:55:06 PHT) ako: ahaha
(09:55:15 PHT) malibog_na_gay_friend: ah..mga judo-jiujitsu
(09:55:16 PHT) malibog_na_gay_friend: and all that
(09:55:19 PHT) ako: oo
(09:55:25 PHT) ako: kick boxing ballet
(09:55:26 PHT) ako: mga ganun
(09:55:31 PHT) malibog_na_gay_friend: ballet? :))
(09:55:32 PHT) ako: ballroom taekwando
(09:55:33 PHT) malibog_na_gay_friend: are you kidding me?
(09:55:36 PHT) malibog_na_gay_friend: gaga
(09:55:38 PHT) malibog_na_gay_friend: =))
(09:55:55 PHT) malibog_na_gay_friend: maybe I'll enroll on them this summer
(09:56:04 PHT) ako: good
(09:56:09 PHT) ako: dance classes
(09:56:11 PHT) ako: perhaps
(09:56:28 PHT) malibog_na_gay_friend: HMM...Mas interesting nga dance classes sa akin
(09:56:48 PHT) malibog_na_gay_friend: i'll maybe try hiphop...ala-STEP UP 2
(09:57:05 PHT) ako: yun
(09:57:06 PHT) ako: sakto
(09:57:10 PHT) ako: break dancing
(09:57:19 PHT) ako: tutal nag yoyoga ka


-END-


Ayun, yun lang naman. Sa mga naghahanap ng extra income ngayon with free dinner, kausapin niyo lang siya, baka matulungan niya kayo. Sana lang pumasa kayo sa standards niyang nine-incher.

Elongate...

May 15, 2008

Thought Broth 01

Nakakatuwa ang isipan ko. Marami siyang mga bagay na sinasabi sa akin sa tuwing naglalakad ako o di kaya eh nakasakay sa sasakyan pauwi. Madami siyang kwento at mga aral na pilit niyang ipinaiintindi sa akin. Mga bagay na nakapagtatanggal ng ngiti sa labi ko upang palitan ng mga katagang "oo nga naman no?", "dapat nga pala..." , at mga kung anu-ano pang kaseryosohan na makapagpapaunawa sa akin sa mga bagay tungkol sa buhay. Pinamumukha niya sa akin mga katotohanan na hindi ko nakikita kapag nakangiti ako o di kaya ay nagsasaya.

Salamat sa isipan ko, ibinabalik mo ako sa realidad.

========

Habang naglalakad ako sa underpass ng Rufino papuntang PBCom Towers, naisip ko kung gaano ka-simple ang buhay noong bata pa ako. O di kaya naman nung ipinagbubuntis pa ako ng nanay ko. Kahit wala akong maalala, ang alam ko lang nakalutang lang ako nun habang humihigop ng mula sa nanay ko, gamit yung pusod kong parang fancy straw lang ang dating.

Siguro marami nang nakarinig nito, at maski ako eh maraming beses ko na ding naririnig sa mga kapatid ko at ilang mga tao na mas masarap ang mag-aral at maging estudyante kaysa sa magtrabaho. At ako naman eh nakatyempo ng mga kapatid at talagang pinaniniwalaan ko ang mga sinasabi dahil makikita mo sa kanila mukha nila ang pagod sa tuwing galing sila sa trabaho. Pwede na silang commercial model ng Stresstabs at Sustagen Premium at the same time.

Mahirap ang ginagawa kong trabaho kapalit ang mababang halaga ng sweldo. Palaging nag-iisip at nag-iisip pa lalo. Hindi ko gusto pero pinipilit kong gustuhin sa kagustuhan kong magkaroon ng kaalaman sa mga bagay na gusto kong matutunan. Alam kong mas malaking reward ang makukuha ko dito pagdating ng panahon kaya naman sinisikap kong matuto.

Pero sa halaga ng kinikita ko, mukhang magagamit ko ang ideyolohiya ng pagtitipid. Nararamdaman ko na ang mga halimaw na papel sa bahay na tinatawag na BILLS. Kuryente bills, tubig bills, internet bills, cable bills. Sana kamag-anak ko na lang si Uma Thurman para ipa-kill bills ko na ang mga lintek na gastusin yan. Automatic na yun syempre, ang pagbabayad ng mga gastusin sa bahay. Tulong na lang sa ate kong naghihikahos na sa pagbabayad niya sa karamihan ng mga bayarin sa aming araw-araw na pangangailangan. Minsan sa gamot ni ermat at sa mga miscellaneous fees na kailangan nila.

Ang oras, sadyang mabagal sa tuwing wala kang ginagawa. Yung tipong hinihintay mo na lang ang buong araw para matapos at makauwi ka na dahil wala ka nang kabulastugang magawa at wala ka pang maisulat sa blog mo. Pero kapag tambak ang trabaho at may deadline, parang sinindihang mitsa ng paputok ang oras. Nagmamadali ito at kumakaripas na ubusin ang buong araw at lakaran ang lahat ng number nung maikli niyang kamay. Mapasulyap ka lang ng isang beses eh tatlong oras na agad ang nakalipas sa parang dalawang minuto mo lang na pagtatrabaho.

Ang sarap tuloy kung totoo man na ang plano ng buhay ay pabaligtad [tulad ng isang quote na natanggap ko sa text] na ang buhay daw ay mas mainam kung magsisimula tayo bilang mga matatanda, papunta sa kabataan. Mabubuhay ka bilang isang matandang ulyanin hanggang sa maging maayos na ang kalagayan mo upang magtrabaho ka sa loob ng marahil ay mga 40 taon. Magtatrabaho ka para may panggastos ka sa kabataan mo. Magtatrabaho ka hanggang makaabot ka sa punto na bata ka na at puro pambabae, pag-aaral sa eskwelahan, kabulastugan, kalokohan at bisyo ang aatupagin mo. Tapos mag-aaral ka hanggang makaabot ka ng highschool, elementary, kinder at bumata ka para alagaan ka ulit. Wala kang iisipin kundi ang mga pambatang bagay tulad ng pagligo sa ulan at pagkain ng candy ng patago. Ang pag-aaral na bumangon sa gabi upang huwag maihi sa kama, pati na din ang pagiging bibo sa harap ng mga kamag-anak. Pagkatapos ibabalik ka sa sinapupunan at lulutang ka sa loob ng siyam na buwan. Ang pinakahuli ay ang matatapos ang cycle ng buhay mo bilang isang orgasm.

Sweet.

Elongate...

May 12, 2008

Lost in Conversations

Merong mga pagkakataon sa buhay natin na nawawala tayo sa tamang landas sa pakikipag-usap. Hindi mo mawari kung ano ang sinasambit sa iyo ng mga kausap mo at tila ba kakailanganin mo pa ng ilang minuto upang tunawin ang kung ano mang namutawi mula sa kanilang mga labi.

Narito ang ilan sa nalikom kong mga pahayag na naisalin na mula sa iba't-ibang tao subalit napanatili pa din nilalaman sa orihinal nitong konteksto.

Ang mga usapang ito ay sinasabing nagmula sa inang bayan kong probinsya ng nanay at tatay ko doon sa amin, sa malayo mula dito sa Makati.

Halina't ating alamin ang ilan sa mga kakat'wang pahayag ng mga taong itatago natin sa pangalang "person".

Sa kadahilanang hindi mauunawaan ang mga pahayag sa unang pagbasa, minarapat kong dagdagan ng translation ang bawat isa sa mga pahayag.

Scenario 01:

Minsang tinuturuan ni Person One ang pamangkin niya ng mga "children skills and tricks" ay sinubukan niya itong kausapin sa English.

Person One: "Halika baby, increase mo si tita, increase mo."

Translation: Increase = Embrace, Hug

Scenario 02:

Nagyayabang si Person Two sa mga nabili niyang piyesa para sa kanyang sasakyan.

Persone Two: "Ay ako'y bumili ng piyesa sa hogwire, ay regional parts ang aking nabili eh!"

Translation:

Hogwire - Hardware
Regional - Original


Scenario 03:

Inuman. Nag-uusap si Person Three at tatay ko tungkol sa sports sa beach.

Person Three: "Ako'y nakapasyal sa dagat, ay kadami pala ng namamangka doon eh!"
Tatay: "Ay oo, marami nga. Lalo na yung mga naka-speed boat pa."
Person Three: "Oo! Ay meron pa nga akong nakita eh! Ay pagkakabilis! Lintik ang tulin eh! Yun gang sharping! Ay anong tulin! Yung may layag!"

Translation:
Sharping - Surfing, Wind Surfing

Scenario 04:

Merong handaan (i.e. Piyesta, kasalan, etc) sa isang baryo at walang masyadong tao para tumulong kaya't kinakailangan nilang bumili ng mga plastic na kubyertos

Person Four: "Ala, wala naman tayong katulong na makukuha. Magaling pa't bumili na lamang tayo ng disposal na mga kutsara."

Translation:
Disposal - Disposable

Scenario 05:

Tatae si Person Five. Naghahanap ng tabo.

Person Five: "Iabot mo nga sa akin yang mobile, at ako'y tatae."

Translation:
Mobile - Container ng langis ng makina na may brand na Mobile Oil na ginagawa nilang tabo. Maaari ding maging Del Monte, Promil, Nido, basta't depende sa tatak ng lalagyan.

At hayan lamang po ang ilan sa mga naulinigan at naihayag sa aking usapan sa mga panahong naroon ako sa inang probinsiya ko. Nakakatuwa mang pakinggan, hindi mo naman maitama sapagkat nakakahiya din sa panig ng mga nagsasalita. Alam kong mas lalong magiging mali kung hindi itatama pero wala naman akong ikukwento kung itatama nila, ahaha. Selfish-ass bastard.

Yun na lamang ngayon at sana'y may maibahagi pa akong iba pang mga nakakatuwang pahayag mula sa iba't-ibang mga tao na nakakasalamuha ko.

Thanks y'all. Peace out.

Elongate...

May 7, 2008

Ano Ang Laman ng Isipang Tinatamad?

Hindi naman siguro marami. Puro mga normal na bagay lang. Tulad ng mga ito:

Baduy maging tandang. Isipin mo na lang, iisa lang ang butas ng manok. Dun lumalabas ang ipot at dun din ipinapasok ang sperm. Kung magiging tandang ako at gusto ko magparaos, hindi ako papatol sa inahin. Luging-lugi ka dun. Isa lang ang vagina sex saka anal. Iisa lang ang butas. Hindi mo alam kung anal na ba ang ginagawa mo o normal na sex with a pussy. Parang walang thrill. Di mo na ililipat ng butas kasi, wala naman talagang lilipatan.

Pero at least, kung magiging tandang ako, panalo naman ako sa breast at thigh. May breast part ba ang Tilapia? Sabagay ang mga pabo, meron. Ang mga itik, meron din. Mas matambok pa man din ang puwitan ng itik at medyo kekendeng-kendeng maglakad. Nakakaakit para sa isang tandang.

Pero wala na yata akong ibang gusto pang matikman kundi ang breast, legs, at thigh ng isang inahin. Kaso inahin na yun. Sa chicks na lang siguro ako, kahit medyo payat pa at walang laman. After 45 days naman eh magkakalaman na ito at good for pleasurable eating na.

===================

Gusto ko lang magsulat. Tinatamad nanaman kasi akong isiksik sa utak ko itong trabahong ito. Nanlalambot ako at tila ba nanghihina.

May sipon kasi ako. Tinamaan ata ang bayrus nung isang gabing uminom ako ng malamig na tubig na tinimplahan ko ng apat na paketeng Extra Joss. Ang lamig ng tubig, nagka-brain freeze pa ata ako nun.

Nakakabaog ba yun? Yung Extra Joss? Sabi lang nila, oo daw. Siguro kung titimplahin mo yung Extra Joss sa isang thermal cup kasama ang mainit na tubig, tapos ipapalo mo sa betlog mo yung thermal cup, sigurado akong baog ka nga nun. Testicular pain caused by Extra Joss.

===================

Suminga ako kaninang umaga. Ang sakit kasi ng soft palate ko (ngalangala) dahil nga medyo malapot na ang nilalaman nitong mucus.

May dugo. Di ko alam kung galing ba sa medulla oblongata ko yung dugo o kung sa palibot lang ng ilong. Sabagay hindi na din bago para sa akin ang makakita ng dugo mula sa sipon ko. Nose bleed, literally.

Ayun, nakakatamad talaga. Meron pa akong mild na ubo saka dalawang singaw. Masakit pa ang ngipin ko dahil parang excavation na ng DPWH ang lalim. Andami kong ailments. Hindi ako healthy. Shit, loser ang katawan ko ngayon.

Ano bang ikukwento ko? Wala naman. Gusto ko lang pagalawin yung mga daliri ko sa pinakamababaw kong dahilan: ang magpahayag ng saloobin.

Gusto ko sanang ituon ang likot ng aking mga daliri sa ibang bagay tulad ng PSP [wala akong PSP], pangungulangot[wala pa akong kulangot, tuwing hapon naga-accumulate yun], paggawa ng Origami[hindi ako marunong], pagkakamot at pagdadalirot ng mga kung anong bagay. Sana meron akong modelling clay dito para mapagtuunan ko ng malilikot kong fingers. Pero keyboard lang ng computer ang meron ako at itong aking blog. Syempre hindi ko naman tatrabahuhin itong naiatas sa akin sa lalong madaling panahon. Wala pa akong ganang kumilos. Para akong sloth na may regla at tamad na tamad ako ngayong araw na ito.

===================

Mahirap talaga kapag oatmeal lang ang agahan mo. Ang aga-aga mong magugutom tapos maje-jebs ka palagi sa tanghali pagkatapos ng tanghalian. Suki na ako ng banyo eh.

Minsan pa nga sa umaga, lagi kaming nagkikita nung kasabayan kong si officemate 200 [na madalas ding gumamit ng toilet]. Dun mismo sa tapat ng pintuan ng banyo ang tagpuan naming dalawa. Ako eh papasok ng pintuan ng banyo, siya naman eh palabas. Lagi niya akong nauunahan. Kulang na lang minsan eh sabihan ko siya ng: "P're, magpalit ka naman ng ulam. Lagi na lang kasing kangkong ang nakikita kong naiiwan dito sa toilet eh."

===================

Kung manonood ka ng Maria Ozawa Specials dito sa opisina, sisiguraduhin mong hindi naka-full screen yung media player at wala ang babae mong kaopisinang napakakonserbatiba sa likod mo. Okay lang naman, matatawa lang naman siya sa nakikita niyang isinusubo ni Maria Ozawa. Naka-blur naman kasi eh.

===================

Yun lang naman sa ngayon. Salamat!

Elongate...