Wala lang ito, hindi lang kasi talaga ako makapag-update
Testingin natin ang 24-hour Customer Support ng Unionbank.
Tatawagan ko na sila matapos ang isang linggo kong paghihintay.
Hindi ko alam kung nagwalis ng kamalasan nung araw na yun at sa basurahan ko pa itinambak.
Nag-withdraw ako ng pera, na-debit pero walang na-dispense.
Pumapalakpak pa ang tenga ko nun at kumikinang ang mga mata ko habang nag-aabang ng perang iluluwa ng ATM Machine (redundant) na maaari kong ipampaligaya ng malungkot kong bulsa.
“Your transaction has been cancelled. Please try again later.”
Fuck. Ano ‘to?
Nag-check ako ng balance. P68.95.
Pu. Tang. Ina. Ang malas ko. Minsan hindi din maganda yung gahaman ka’t wi-withdraw-hin mo lahat ng laman eh. Dapat kung magkano lang yung kailangan mo sa araw na yun ang kunin mo.
So 30 minutos akong nagpapaikot-ikot sa makinang yun nang walang laman ang isipan.
Bumalik sa machine, umaligid ng konti. Nag-abang ng ibang taong gagamit at baka nga naman kasi biglang sangkaterbang lilibuhin ang lumabas sa na-withdraw nilang P500 pesos. Oo, sinilip ko talaga kung magkano ang na-withdraw nung manong.
Pagkatapos, nagtanong ako sa guard kung san pwedeng mag-report. Eh san pa nga ba, eh di diretso sa bangko. Kinuha ko agad yung number ni ATM.
Mainam naman at walking distance lang ang bangko na may-ari ng ATM. Starts with a letter M, and ends with the letters etrobank.
Nai-report ko naman agad with a heavy heart at umaasang ipagwi-withdraw na lang ako nung magandang aleng mukhang masungit dun sa kaha-de-yero nilang dambuhala at ipa-pamper niya ako with all the apologies and “sorry for the inconvenience”. Sinampal lang ako ng katotohanan ng mga katagang “5 to 7 days bago ma-confirm.”
“Paki-report mo na din sa bank mo.” Ugh, okay. First time ko ‘to eh.
Lakad ako sa Unionbank para mag-report. Tawag ako sa may hawak ng account number ko para ma-check. Nailaglag ko pa yung telepono nila sa sobrang aborido ko. Reason number 1 para ma-delay ang transaksyon.
“Ah, okay na. Na-debit nga. Na-check na namin. So paki-abangan na lang kung papasok na sa account mo yung pera.”
Gaano katagal?
“Mga one week. Kasi ibang machine eh. Pag Unionbank din yung machine, 3 days lang.”
Okay, fair enough.
Paglabas ko, tinulak ko pa yung pinto at pinuwersang buksan mag-isa. Ruling nga pala ng bangko na palaging naka-lock at gwardya ang magbubukas. Reason number 2 para ma-delay ang transaksyon.
Lumipas ang mga araw. Pulubi mode. Ikinunsidera ko pa na 5 to 7 business days yun kasi walang office sa weekends.
So eto na, lampas na ng 7 business days.
Handa na akong magpaulan ng sama ng loob at reklamo, at luha, at hinanakit, at kawalan ng tiwala sa sistema, at sa pagpaasa na isang linggo lang ang itatagal.
Parang babae ang Unionbank.
Pinatawag ko sila ermats at erpats. Ayaw. Espesyal daw ako at ako lang ang pwede nilang makausap. Pricks. Okay, naintindihan ko.
Good luck to me.
*Dialing 841-8600*