July 20, 2010

Difficult

Difficult. Fucking difficult. Nawala na ang lahat ng kagustuhan kong makapagbahagi ng pang araw-araw kong karanasan sa pagtahak ng mapait at matamis na landas ng buhay.

Naubos na ang bala. Natuyot na ang lalamunan. Nakalbo na ang bumbunan.
Wala na yata talaga akong pag-asang makapagbahagi ng saloobin ko tulad ng dati ko nang ginagawa.

Maaaring dahil ng trabaho. Sa tipo ng trabahong meron ako ngayon, hindi na kasingkulay ng nakaraan kong gawain ang meron ako sa kasalukuyan. Paulit-ulit-ulit ang nangyayare. Hindi na spontaneous ang daloy ng kaisipan. Nakasadlak na lang sa iisang klase ng kapaligiran.

Nakakalungkot din para sa blog ko. Kawawa naman siya. Dati, andami-daming dumadalaw at bumibisita. Pero ngayon, iilan na lang. Kaya nagpapasalamat naman ako sa mga dati nang bisita at mga bagong pangalan na nagkokomento. Hindi ko maiipangakong makakapagbahagi akong muli ng makulay (at mabantot) na karanasan sa hinaharap, pero hindi ko naman hahayaang mawala ang bisyo ko ng pagbabahagi sa pamamagitan ng pampublikong pahina.

Sadyang di na kasing makatas ang isipan ko ngayon. At wala na ako sa link list ng Sosyalera.net eh. Yun lang naman talaga yun. Nalungkot ako dahil hindi na aktibo ang blog na ito para magkaroon ng karapatang mapalagay sa pamosong blog.

K, back to regular programming.


Elongate...