Newton
MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAGBABATI SA AKING BIRTHDAY!!!
Sabihin nyo kung dapat ko na ba kayong batiin at buong-puso kong ibibigay sa inyo ang aking kamay. Para kamayan kayo. Sa kamay, at hindi kung saan pang dapat na kakamayin.
Menos Diyes para alas singko ng dumaan ang trak ng basurahan.
Mataas ang bintana ng bahay at malaki. Kumbaga kahit anong klase ng aerial sprayers o vapor solutions o kung ano mang amoy at usok eh madaling makakapasok sa loob ng bahay.
Siyempre, aasahan ko na ang amoy ng basura sa oras na dumaan ang trak sa bahay.
Pero nagtaka ako kung bakit hindi ko naamoy ang bantot ng basura. Imposibleng hindi dahil maayos ang pang-amoy ko sa panahong ito at lalong wala naman akong sipon o allergic rhinitis.
Isa sa mga batas ng Physics na maiaaplay sa misteryong ito ay ang "For every action, there is an equal and opposite reaction" na hindi ko naman alam kung tama kasi hindi ako nag-Google para diyan.
Base lang yan sa memorya kong sing talas ng tingin ko kapag may kaagaw ako sa ulam.
Samakatuwid, kung ang pwersa ng amoy ng basura ay matatapatan ng eksakto at parehong kalibre ng amoy, hindi na ito dadaan pa sa aking ilong.
Saan naman manggagaling ang amoy na tatapat sa baho ng basura?
Hindi ko din alam pero yung pagdaan ng trak ng basura ang panahon na inaamoy ko din ang kili-kili ko eh. Siguro dun na nga galing yun. Putanginang yan. Napakabaho. Seryoso, nakakaamoy na ako ng amoy baktol. Yung mapaklang amoy na sumisingit sa baga at mapapaubo ka sa oras na maamoy mo. Oo, nakakaamoy na ako ng ganun pwera sa asim at amoy mantikang panis.
Kaya sa mga kababaihan, mag-iingat kayo sa lalakeng walang ibang ginawa kundi ang makipagflirt sa inyo sa buong araw dahil panigurado, tatlong beses pa sa amoy ko ang amoy nila.
Akala mo jackpot kang may kalandian ka sa buong araw? EEENGK! WRONG!!! Hindi din naliligo yun tulad ko.
Kaya sa mga nakakaflirt kong mga babae online (kung flirt bang maiituring ang paghamak sa pagkatao ko't pagmumura sa magulang ko) eh mag-isip kayo ng sampung beses kung matutuwa ka ba't kilig na kilig ka sa kakakausap saken o mandidiri ka't wala kasing duming kuko ang gamit ko para mapangiti ka lang.