Mug
Sa opisina namin, may pagtitipon tuwing ikatlong buwan ng taon (quarterly meeting). Dati, buwan-buwan ito pero dahil naghihirap na ang kumpanya namin, hindi na kami buwan-buwan pinalalamon ng opisina (sa ibang kwento na yun).
Anyway, merong libreng mug na personalized! Excited ako kasi akala ko yung pangalang pang-opisina ang nakalagay! (Clue: Hindi Mariano Juancho yun).
Pagtingin ko, kulang ng isang letra at naasiwa ako ng wala sa lugar! Nainggit ako dun sa mga kaopisina ko. Yung isa Cute ang nakalagay, at dun sa isa eh Pogi! Putangina, pagdating sa akin pangalan ko lang na kulang pa ng isang letter! Un-fucking-acceptable! Para akong tinanggalan ng dangal, at hinubaran sa harap ng maraming taong hindi naman maappreciate ang katawan ko! Para akong paper mache - isang project na pinagagawa lang sa mga bata kapag wala nang maisip ang mga teacher! Nasira ang mundo ko nung makita ko ang pangalan sa mug.
It turned out na wala pala akong pasok nung naganap ang hingian ng pangalan, at yung HR na lang namin ang naglagay. So, dahil dito, nabuo na sa isip kong walang puso ang HR namin at walang pagpapahalaga sa welfare ng mga emplyado nila.
Kaya naman ginawan ko agad ng aksyon ang naturang pagkakamali.