September 8, 2013

Bagong Toilet, Bagong Pag-asa

YEHEY! Ito ang matinding sigaw ng puso ko, ganun na din ng puwit ko. After more than 10 years of battling the war against mahirap na pagpapalubog ng tae, finally ay maaari na kaming mabuhay nang hindi na umaasa sa pambomba ng toilet! God is good!

Maraming salamat pala sa tatay kong si Mang Lucio, sa kuya kong si Dennis, at sa pamangkin naming si Sandy. Kung hindi dahil sa kanila, hindi maiisakatuparan ang pangarap naming magkaroon ng maginhawang buhay-pagtae.

Kung nagbabasa ka ng blog na ito noon pa, alam mo na siguro kung anong klaseng hirap ang dinadanas namin tuwing tumatae kame. Maging ang mga kaibigan kong nakapunta na sa bahay, pinipilit na lamang na ipawis ang tae nila kaysa sa ilaglag sa inodoro dahil sa hirap na pagpapalubog.

Anyway, pictures:


This is what you call luxury! Anong sinabi ng mga putanginang mayayaman dito? DALAWANG TOILET, MUTHAFUCKA!


Thank you for more than 30 years of your service. You may rest now, valiant toilet.


Not a toilet-related picture pero ang cool ng metal-to-metal action kaya inilagay ko na din.


Semi-finished product. Tabingi dahil may pagka-OC ako pero natataihan naman.
Salamat at hindi na mahihirapan ang mga taong magpalubog ng tae. Bagong toilet, bagong buhay ika nga.
Magdulot sana ito ng ningning sa aming mga puso at swerte sa aming buhay.

Pero hindi hawak ng mga toilet ang kapalaran natin, gabay lamang sila. Mayroon tayong free will, gamitin natin ito.

Elongate...

February 14, 2013

Happy 2013 Valentine's Day

Sa mga nagbabasa pa ng blog sa panahon ngayon, gusto ko lang i-alay sa inyo ang taos-puso kong pagbati (greeting) ng Happy Valentine's Day dahil pinalad akong magkaron ng katipan sa araw na ito. Fuck you and your lonesome life, ika nga, kung single ka.

Joke lang.

Hindi naman para sa mga mag-couples ang Valentine's Day. Normal na araw lamang ito at tulad nang dati ko nang nabanggit eh isa lamang siyang araw na punum-puno ng komersiyalismo, na maaaring magpamura o magpamahal ng mga bagay depende sa kung anong purpose nila sa araw na ito.

Tignan mo na lang ang bulaklak - 300 pesos ang isang dosena nito (na may maganda pang arrangement), sa normal na araw. Umaabot ng 1500 kapag araw ng Valentine's. Fuck you florists! Mga kapitalista!

Ganun din sa motels, apartelles, hotels, lodge, at courts - maaaring magmahal depende sa kalidad ng serbisyo. Maaari din namang magmura depende sa dami ng nangangailangan.

Kung nagtitipid ka, mag-Luneta ka na lang at magdala ng banig at malaking kumot.

~~~

Kung meron man akong gustong maging ngayong araw na ito, yun eh ang maging bulaklak. Bonggang self-esteem ito dahil napakaimportante ko today.

At sa araw ding ito, ayaw kong maging tagalinis ng kwarto ng mga hotels na ito. Although it would be nice kung babatiin ko sila pagkatapos gumamit ng kwarto.

"Happy New Year po sa inyo! I hope you enjoyed the fireworks"
"Happy Valentine's po sa inyo at sa inyong kabit!"
"Happy Valentine's po! Thank you for coming again, and again, and again!"
"Happy Valentine's po! Sana po magtagal ang relasyon niyo at kayo pa din ang magkasama pagbalik niyo dito next year!"
"Happy... teka, iba na naman sir? Tulis mo talaga!"
"Thank you for coming...inside her! I hope you become good parents!"
"I hope you enjoyed your stay as much as we enjoyed watching you through our CCTV cameras!"
"Thank you for not coming in the curtains!"

~~~

Ang abo nung Ash Wednesday ay galing sa mga durog na puso ng mga walang ka-Valentine.

Elongate...