Bayntisyeti
Sa isang linggo, tatanda na naman tayo. Kamusta naman ang buhay mo? Meron bang pagbabago? Kung wala man, ayos lang yan kaibigan.
Hindi naman tayo nagmamadali, pero paminsan-minsan eh nagba-baka sakali.
Ang mahalaga, kumpleto ka. Walang kulang, sobra-sobra pa.
Salamat, umabot ka sa puntong ito.
Sa susunod, sana maikli na ang buhok mo't tunaw na ang bad fat sa dugo mo.