March 19, 2012

Hindi biro ang gumising sa tunog ng alarm

Ugali ko ang mag-alarm ng telepono kahit alam kong hindi ko naman siya papansinin. Ang pagse-set ng alarm ng telepono ay isang paraan para ipaalam ko sa sarili kong isa akong responsableng tao at kaya kong gumising ng mag-isa, ng walang tulong ni Aling Maring o ng kung sino man.

Sadly, lahat ito ay kathang-isip lamang at ang totoo ay merong sariling pag-iisip ang kamay ko para kumilos ng wala kong pahintulot, at patayin ang maingay na alarm.

Kaya naman narito ang ilang payo sa pagse-set ng alarm ng orasan/telepono.

  • Huwag pumili ng tunog ng alarm ng telepono/alarm clock na ayaw mo: Yung tipong maingay at nakakairitang tunog na alam mong magigising ka. Magigising ka nga pero mataas ang tyansa na dahil ayaw mo ang tunog, papatayin mo agad ang alarm.
  • Huwag pumili ng tugtog na gusto mo bilang alarm: Dahil sa gusto mo ang tunog at nakapagbibigay ito ng inner peace, gagaan ang kalooban mo't marerelax ka, ergo hindi ka magigising at babalik ka sa pagtulog.
  • Kung nagkaroon ka na ng katipan at mayroon kayong theme song dati, marapating ito ang piliing tunog ng alarm: Ang pagpili ng tugtog na may kinalaman sa mapait na nakaraan ay makakatulong sa madaliang pagbangon mo sa kama, pagmumuni-muni sa nakaraan, pagsama ng kalooban at pagmumukmok. Ipinapayong huwag palaging gamitin ang ganitong tunog ng alarm dahil maaari itong magdulot ng mabilisang pagbangon mula sa kama, at pagkuha ng lubid na pambigti, o di kaya'y blade na panlaslas.
  • Maaaring gawing alarm ang recording ng sariling boses na naglalahad ng mga bagay na gusto mong makamit sa pamamagitan ng paggising ng maaga, na magdudulot ng pagkakaroon ng magandang record ng attendance sa opisina/eskwelahan. Mga bagay na tulad ng PSP Vita, bagong damit at pabango, bagong buhay, at bagoong.
  • Igapos ang mga kamay bago matulog upang hindi mapatay ang alarm gamit ang muscle memory, at ilagay ang alarm clock/telepono sa noo bago matulog.
  • I-alarm ang relo/telepono ng nanay mo.

Elongate...

March 14, 2012

Knife Fight

I. Pupunuin mo ng strawberries yung bibig ko, habang nakatitig ako sa mga mata mo. Yung mata mo na parang may poot na gustong kumawala kada susubuan mo ako ng strawberries.

II. Kukuha ka ng kutsilyo sa kusina. Tig-isa tayo. Pagkatapos mo akong subuan ng maraming strawberries, aalis ka na. Pagbalik mo, meron ka nang dalang kutsilyo, tapos i-iitsa mo sa akin yung isa. Iwawasiwas mo yung kutsilyo na habang nakangisi ka. Yung mga mata mong may poot na gustong kumawala, mas nagniningas yung kinang. Yung kinang ng karahasan na nakakapagpatigil ng paggalaw. Parang yung titig na ginagawa ng mga pusa sa daga bago nila ito sunggaban.

III. Hindi ko masasalo yung kutsilyo dahil nakagapos ang dalawa kong kamay sa silya. Humihiling na lang ako na hindi mapalakas ang pag-itsa mo ng kutsilyo at hindi tumama sa anumang parte ng mukha ko. Tatawa ka ng malakas pagkatapos mong i-itsa yung kutsilyo. Nakakahiya tuloy sa mga kapitbahay.

IV. Maginaw sa kwarto mo dahil nakatodo ang aircon. Hindi pa nakakatulong na bra’t panty lang ang suot ko. Patuloy mong iwinawasiwas ang kutsilyo habang marahan mong hinahaplos ang buhok ko. Nandun pa din ang kinang sa mata mo, pero ngayon, parang umamo na sila ng bahagya. Hindi tulad kanina na parang gusto mo nang ihagod ang kutsilyo’t tanggalan ako ng balat.

V. Habang hawak mo yung buhok ko, ihinagod mo ang talim ng kutsilyo sa balikat ko. Pababa sa bewang, hanggang sa pusod. Paunti-unti mong itinatarak yung dulo ng kutsilyo mo sa pusod ko. Ako naman, napapapikit sa sakit dahil medyo napapadiin at napapalalim sa yung kutsilyo. Nanggigigil ka siguro. Patuloy ang paghaplos mo sa buhok ko.

VI. Sinipa mo yung silya at natumba ito kasama ako. Hindi tumama ang ulo ko sa sahig dahil hawak mo ang buhok ko. Binitawan mo ang buhok ko, at nawala ka saglit. Maya-maya, may naramdaman akong lamig na pumasok sa pagkababae ko. Lamig na dahan-dahang naging sakit. Sakit na hindi ko pa nararamdaman sa buong buhay ko. Sa tantya ko, malapad at mahaba yung pumasok. Parang kutsilyo. Malamig sa una, tapos natabunan na ng maantak na sakit yung lamig. Napaluha ako at napasigaw sa sobrang sakit.

VII. Tumawa ka ng malakas. Tawa ka nang tawa habang ako naman eh halos mamilipit na sa sakit pero hindi ko magawa. Nakagapos kasi ako. Unti-unti nang humina ang malakas mong tawa. Unti-unti na ding dumilim ang paligid, pero yung sakit, nandun pa din.

VII. Nagising akong punung-puno ng strawberries ang bibig ko.

Elongate...